Susi ng Lagusan

ni: Shanna Niegos

Kahit saang lupalop man tayo mapunta sa bawat pagaspas ng ating mga bagwis, lahat-lahat tayo may pagkakakilanlan na kailan may hindi maglalaho na parang bula o maaanod ng lagaslas ng tubigan.

Tulad sa buhay ng mga estudyante, kinakailangan ng I.D upang matukoy ang ating pagkakakilanlan. Sa bawat pagpasok sa trabaho, kinakailangan ng I.D upang tayo ay makapasok, sa bawat transaksyon na ating isinasagawa, nararapat na mayroon tayong I.D na ipapakita upang mapadali ito nang wala ng karagdagang katanungan.

Dito matutukoy ang ating pagkakakilanlan at dito makikita ang ating mga personal na impormasyon na kinakailangan upang malaya tayong makagalaw sa mundong ating kinatatayuan. Tila isa itong susi upang mabuksan ang lagusan tungo sa ibang mga lugar na nais nating mapuntahan.

Sa pagtatag ng batas na makakapagpabago sa bawat buhay ng mga mamamayan ng Pilipinas sa bawat pagsilay ng bukang liwayway,ang batas na National I.D system o R.A 11055 ay makakatulong upang mas mapadali ang daloy ng buhay ng mga tao sa kanilang iba’t ibang mga transaksyon. Inemplementa ito ng gibyerno upang sa gayon ay mas mapadali na ang kanilang mga transaksyon sapagkat maaaring ito na lamang ang iyong ipakita sa iyong iba’t ibang mga transaksyon.
Tingnan ang hitsura ng National ID

Facebook.jpg

Iba’t ibang I.D ang naroroon tayo sa ngayon kung kayat minsay nalilito na tayo kung saan ito maaaring gamitin. Kung noon ay may iba’t ibang I.D tayong eksklusibo lamang para sa iba’t ibang transaksyon natin gaya nang sa PhilHealth, SSS, GSIS, at PAG-IBIG, sa ngayon, dahil sa ipinatupad na batas na Nationl I.D system ay pinag-isa na lahat sa iisang I.D kung kayat mas mapapadali ang ihip ng buhay ng mga tao sa kanilang mga gawain.

Ang ahensiyang Philippine Statistics Authority(PSA) ang mangangasiwa sa pagbibigay ng permanenteng numero ng bawat mga mamamayan. Ang I.D ay magtataglay ng mga impormasyon tulad ng iyong PhilSys number, full name, sex, blood type, marital status, place of birth, photograph, date of birth at address. Ang mga pribadong impormasyon na ito ay napapasailalim sa isang batas kung saan ito ay pinoprotektahan.

Ang PSA rin ang siyang nangangasiwa sa mga taong nais na magparegister. Ang batas na ito ay isa sa mga hakbang ng gobyerno upang maiwasan ang terorismo at kriminalidad sa ating bansa. Isa ito sa mga hakbang tungo sa matiwasay na pamumuhay ng bawat mga mamamayan. Isa ito sa mga hakbang sa pag-unlad ng ating bansa.

Gamit ang iisang I.D, matutukoy na ang ating pagkakakilanan at mas mapapadali nito ang mga galaw ng bawat tao sa kaniya-kaniya nilang mga transaksyon. Magsisilbi itong susi sa lagusan ng kaginhawaan nating mga pilipino.

Alamin ang Philippine ID System

Leave a comment